Ang Tambayan ni Rj











{Enero 5, 2008}   8 Meme..

 

Mukhang Sabado ang Tag day ko…Ako ay isa sa mga maswerte na na-tag ni Ate Malinesky upang ipahayag sa buong blogosphere ang 8 Meme-Walong Bagay na Ipinagpapasalamat ko..

Tinag sa akin ito noong Enero Dos, kaso dahil nga sa sobrang pagod sa trabaho medyo hindi ko nagawa..pero heto na at susubukan ko….

 

  1. Nagpapasalamat ako at buhay pa ako at nabigyan ako ng pagkakataon na salubungin ang 2008 ahehehehe…
  2. Sa patuloy na pagtangkilik ng aking mambabasa sa aking blog, kahit na parang under hiatus ako
  3. Sa mga kaibigan na nakilala ko dito sa blogosphere..kahit na di ko pa kayo nakikita ng personal ay tinanggap niyo ako sa inyong mundo..(sniff..sniff) kilala niyo na kung sino kayo <sniff..sniff>
  4. Sa mga nagmamahal sa akin at minamahal ko rin <hindi ako nagbibiro..seryoso ito :) >Lalo na dun sa pinakamamahal ko.. :) habaan mo pa pasensya mo sa akin
  5. Sa trabaho ko – kung wala akong trabaho wala akong pambayad sa internet ko ahehehehe
  6. Sa magulang ko (hehehehe) kahit na madalas pasaway ako at lagi niyo kong pinapagalitan..(ahehehe, nay medyo hinay-hinay kasi baka mag-away na naman tayo) di bale lab ko pa rin kayo hehehe
  7. Sa mga kaopisina ko..maraming salamat sa pagtanggap niyo sa akin kahit boys kayo at girl kayo. Alam kong hindi niyo na naalala na babae ako..sige magrerequest na ako ng unipormeng panlalaki ngayong 2008..pwera biro..salamat sa pakikisama na ipinakita niyo.Pati na rin sa drinking sessions natin(waah secret pala yun)
  8. Sa tag na ito..dahil kung hindi ako tinag ni Ate Malinesky baka hindi ko ginawa ang post na ito at sinarili ko na lang ang mga pinagsusulat ko.

 

Sa totoo lang marami akong dapat ipagpasalamat. Hindi perpekto ang buhay ko. May mga unos na dumarating, may mga bagay na ikinayayamot at minsan aabot ka sa puntong bibigay ka na. Gayunpaman, mahal ko ang buhay ko. Tapos na ako sa pagiging suicidal. Nagmature na ika nga. At katulad ng isang halaman na dumaan sa bagyo, mamumulaklak rin ito kapag lumabas ang araw at diniligan mo na. At iyon ang aking ipinagpapasalamat. Higit sa lahat, ang pagkalinga ng mga taong mahalaga sa akin, pati na rin ang pakikipagkaibigan ko di lamang dito sa lugar na ginagalawan ko kundi maging sa mga bloggers dito sa mundo ng blogging. Maraming salamat sa inyo :)

 

Ikagagalak ko ring i-tag si Kuya Lestat, Kuya Jessie, Bregie, Scotty’s Princess,Maryanj, Joliber, Rhon at Kai.



lestat ay nagsabing:

:) heheh o sya mahihindian ba namna kita..

itutuloy ko ang iyong tag at espesyal na tag para sa espesyal na blog… okies…

happye weekend..



jessie ay nagsabing:

ngeks! tagalized tong tag mo fren. pwede bang i-translate sa ingles to?



rj ay nagsabing:

@ kuya lestat weeee!!! ang bait-bait ni kuya ko!!! tenchu!!! happy weekend din sayo!!day-off mo bukas di ba??!!!

@ kuya jessie — kuya best pwede mo i-translate. inggles yan tinag sa akin, ang kaso baka mag nosebleed na naman ako sa sobrang pagkaseryoso ng dating kapag inggles kaya trinanslate ko :)



rhon ay nagsabing:

salamat sa tag… i’ll post it later :) btw, I already linked you up:)



scottyprincess ay nagsabing:

Hi RJ, salamat sa tag! Ang galing mo naman palang mag-tagalog! I’ll try to do it later today, i’ll try my best na gawin din sa tagalog yang tag na yan, hehe!!! Have a happy and blessed Sunday!



bregie ay nagsabing:

Hi RJ, thanks sa tagged! Dudugo ilong ko sa pananagalog hehehehehe…. Happy blogging



malinesky ay nagsabing:

salamat sa pagtanggap mo sa 8meme. Salamat din sa pagiging bahagi ng bloglife ko. :D tama ka, napagdadaanan ang lahat sa buhay…ang mga unos natatapos din at muling sisikat ang araw.hahaha. ano ba ito, naks na hawa na ako.

pero sa totoo lang ang dream kong isulat ay purong tagalog, kasi mas galing sa puso. diba?

ingat lagi!!



scottyprincess ay nagsabing:

Girl mission accomplished! Sa wakas nagawa ko na rin ung tag mo: http://our-journey-to-forever.blogspot.com/2008/01/ang-walong-bagay-na-ipinagpapasalamat.html



rj ay nagsabing:

@ Rhon, Bregie and scottyprincess

yehey!! natapos niyo na!!! daan ako kapag kakayanin ng pc ko umuusok n naman!!



Sweet lullaby ay nagsabing:

HI RJ! thanks for the tag gurl… naku sorry at tagal kung di nakabalik dito kasi po busy sa work at pagod na me pagdating sa bahay,.. anyway, I will be honest with you na di ko pa talaga magawa itong tag na to ngayon pero pag my time na ako I will make it sure na gagawin ko ito…. pasensya na talaga ha, busy lang show ng lola mo ngayon…hehehe…nytnyt…



rj ay nagsabing:

@ ate malinesky naku!!maraming salamat talaga sa tag ate. wehehehe kakahawa ba ako?!!

tama ka ate mas galing nga siya sa puso…para kasing kwelang-kwela ako kapag tagalog ahehehehehe

ingat din po palagi!!masayang blogging!! ahehehe



rj ay nagsabing:

@ Sweet Lullaby hala!! okay lang po…pahinga muna bago blog!! mas magpapasalamat ako kung makakapagpahinga ka tapos pagbalik mo ay full of energy na..fresh na fresh…
:)
ingat po at hanggang sa huling pagkikita….



Kai ay nagsabing:

I like that tag! Nice. and thank you for tagging me along! Hihi.

Super thanks for the greeting too Rj!! :)



jessie ay nagsabing:

fren, PR1 na tong blog mo. congrats!



Rj ay nagsabing:

Yehey!wheee toinkz!toinkz!toinkz! Salamat sa mga dumadaan at 2matangkilik sa mga blog na sinusulat ko..salamat po!ü



Sweet Lullaby ay nagsabing:

hahay. i feel super guilty na kasi di ko pa talaga ito na gawa… sana e-extend mo pa patience mo sa akin ha… busy lang talaga sa work na pagdating ko sa bahay eh higaan na dritso plus my mga opps deadline… sige lang babawi lang ako sayo soon… balik practice din me ng driving kasi need na makakuha ako ng driver’s license… super daming gawain… naku nalang…

rj musta pala dito… sorry ha daldal ko talaga….



Rj ay nagsabing:

@sweet lullaby hala ok lng yun! Alam ko naman ung hrap ng work. Oh ang good luck on the driving!



lestat ay nagsabing:

just finished mine..
sensya na mdyo delayed..:)

here is the link Thanks Goodness



jessie ay nagsabing:

wow!

new look ka pala ngayon. hehehe



rj ay nagsabing:

maganda ba kuya jessie??heeyyng..napagkatuwaan ko lang..pinagbihis ko muna tong bahay ko.. :)



jessie ay nagsabing:

yup, it’s actually cool. i love green.



Mag-iwan ng Tugon

at iba pa