Noong kailan lamang ay nakapaghinga ako ng sama ng loob ko dun sa kabilang bahay ko. Akala ko sapat na iyon para kumalma ako.
Nagkamali ako…
At dahil kakatapos ko lang mag-nosebleed e napagisip ko dito muna sa kabila. Mabalik ako sa aking pagkakamali..hmmm…Dahil nga nailabas ko na ang aking hinanakit e akala ko magiging ayos na ang lahat. Sa kamalas-malasan e hindi pa pala tapos dahil hanggang ngayon ay “apple of the eye” pa rin ako ng boss ko. Ewan ko ba kung bakit sa akin niya isinisisi ultimo maliliit na bagay, at lahat na ng gawin ko ay mali.Katulad na lamang nung sinabi niya na “may mali dyan sa billing, hindi mo napansin?” Siyempre mahirap niyong malaman ang tono ng kanyang pananalita, pero ako na nakikinig sa kanya ang interpretasyon ko dito ay isang tanong na dapat sagutin. Sinagot ko naman at ipinaliwanag ko na inayos na nga iyon kaya bumaba ng four thousand at naging nine thousand na lamang. Ang sagot ng boss ko “Hindi nga e!! Dapat hindi binalik yung lumang billing sa kanila, wala na tuloy pagkakataon na ireklamo ang 500 pesos na arrears dyan.”





