Ang Tambayan ni Rj











{Enero 24, 2008}   Bad ba talaga ako?

Noong kailan lamang ay nakapaghinga ako ng sama ng loob ko dun sa kabilang bahay ko.  Akala ko sapat na iyon para kumalma ako.

Nagkamali ako…

At dahil kakatapos ko lang mag-nosebleed e napagisip ko dito muna sa kabila.  Mabalik ako sa aking pagkakamali..hmmm…Dahil nga nailabas ko na ang aking hinanakit e akala ko magiging ayos na ang lahat. Sa kamalas-malasan e hindi pa pala tapos dahil hanggang ngayon ay “apple of the eye” pa rin ako ng boss ko.  Ewan ko ba kung bakit sa akin niya isinisisi ultimo maliliit na bagay, at lahat na ng gawin ko ay mali.Katulad na lamang nung sinabi niya na “may mali dyan sa billing, hindi mo napansin?” Siyempre mahirap niyong malaman ang tono ng kanyang pananalita, pero ako na nakikinig sa kanya ang interpretasyon ko dito ay isang tanong na dapat sagutin.  Sinagot ko naman at ipinaliwanag ko na inayos na nga iyon kaya bumaba ng four thousand at naging nine thousand na lamang.  Ang sagot ng boss ko “Hindi nga e!! Dapat hindi binalik yung lumang billing sa kanila, wala na tuloy pagkakataon na ireklamo ang 500 pesos na arrears dyan.” 

At dahil nga sa nagulat na naman ako sa ganitong “outburst” niya, napanganga at napatanga na lang ako sa pagkamangha.Una sa lahat, nung lumabas ako para kausapin yung taga-beneco ay nagpaalam pa ako.  (Ibig sabihin alam niya na may problema yung billing na iyon ay kung bakit ba naman hindi niya ako sinabihan noon na huwag ibalik yung maling bill)Pangalawa, wala naman akong natanggap na bill para sa buwan ng disyembre e paano ko naman kaya babayaran iyon??Pangatlo, mali ba na sumagot ako sa isang tanong?Dapat bang tumahimik na lang ako habang kasalukuyan niyang kinekwestiyon ang abilidad ko na gawin ang trabaho ko?

Bad ba talaga ako?Wala ba sa lugar ang pagsagot kong iyon?Ang alam ko kasi tinatanong niya ako kaya sumagot ako.Masama bang ipagtanggol ko yung sarili ko sa sitwasyong ito?

Alam kong maraming dapat isaalang-alang para malaman kung nagkamali nga talaga ako.  Ngunit sa puntong ito, iniisip kong palagi na lamang akong magsasawalang-kibo habang patuloy niyang hinihila pababa ang aking morale?



Mag-iwan ng Tugon

at iba pa