Ang Tambayan ni Rj











{Enero 26, 2008}   Bad ba talaga ako (pangalawang hirit)

Sabihin na nating hindi ako mapakali kaya may pangalawang hirit ang topic na ito. Sa totoo lang, hindi ko kasi maintindihan ang naging paliwanag sa akin kung bakit nagkaroon ng ganoong “outburst.” Papasok pa lang ako ng bangko noong Biyernes ay naririnig ko na ang pangalan kong sinasambit ng boss ko habang kausap niya ang kaopisina ko sa kanyang aquaryum(este cubicle) . Sabi ko sa aking sarili e mukhang napaaga ata ang pageemote niya kung kaya’t inabot ako ng pagkayamot. Ako marahil iyong tipo ng tao na mas gusto ko sinasabi sa akin ng diretso kung may mali akong nagawa kaysa ineemote ito sa iba. Hindi ko sinasabing mali iyon. Karapatan ng tao iyon at desisyon niya kung sasabihin niya sa akin o hindi. Gayunpaman, sa tingin ko’y mas makakatulong kung sa akin na lang sinabi ang mga work concerns na iyon dahil marunong naman akong tumanggap ng critisismo lalo pa kung ito ay para sa ikabubuti at ikauunlad ng aking pagkatao.

Dahil dito naglakas loob akong kausapin na lamang ang boss ko para matigil na ang kaguluhang iyon(haay tinamaan ata ako ng lakas ng loob noong araw na iyon).

Patungkol doon sa “billing isyu” na blinag ko nung nakaraan, ang paliwanag ng ganoong outburst ay heto—>Nanibago daw kasi siya sa sagot ko, kung baga ang hinihintay lang daw na sagot ay “ay ganon po ba boss?!”. Hindi daw niya inaasahan na magiging pagkahaba-haba ng paliwanag ko at ang gusto niya lang dw marinig e “Ay ganon po boss?!!”. Haaaa?????!!!Ibig sabihin dapat pala ay tumango na lang ako at hinayaan ko na lang na isipin niya kung ano ang gusto niyang isipin?At hindi ko na lamang ba ipagtatanggol ang sarili ko gayong alam ko naman nawala naman talaga akong kasalanan kung tutuusin mo??!!!

Sa puntong ito hindi na ako galit…ngunit patuloy akong nag-iisip ng magandang paliwanag kung bakit dapat ganoon na lamang ang sinabi ko?Para bang gusto niya akong tanggalan ng kalayaan para magsalita at ihayag kung ano ang tunay na pangyayari at ninais na lang niya na marinig mula sa akin ang mga salitang iyon?

Dapat bang tumahimik na lang ako noon at magsawalang kibo?Marahil nga para hindi na gumulo..ngunit paano naman ang respeto at tiwala ko sa sarili ko? Para bang gusto na lamang niyang tumango ako ng tumango, at sabihin ko na lamang kung ano ang gusto niyang marinig para mas maging tahimik ag lahat?Ito ba ay dahil sa ako’y staff lamang kung kaya’t hindi ko na dapat ipinahayag sa kanya ang aking iniisip?

Siguro may pagka-aktibista ako o di kaya naman e outspoken lang talaga ako pagdating sa ilang bagay-bagay..siguro nga ayokong maging puppet lamang….ang tanong ko sa aking sarili–>ito ba ay para talaga sa ikauunlad ng pagkatao ko o para lamang sa ikatatahimik ng relasyon namin bilang magkatrabaho?siya bilang boss ko at ako bilang staff niya lamang?



jessie ay nagsabing:

RJ, chat tayo mamyang gabi…



jessie ay nagsabing:

RJ,

hindi ka bad. cute ka lang. :-)



rj ay nagsabing:

ay kuya jessie hindi na ko cute pag galit ako!! hahahaha buti na lang nakakapgsulat pa ako kung hindi wala ang enrty na ito at malamang inaway ko na yung boss ko..kaso mawawalan naman ako ng work waahahahahaha



Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

at iba pa
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.