Ang Tambayan ni Rj











{Pebrero 10, 2008}   Isang nakakatamad na post..

Kelan ba ako huling nag-post dito? Palagay ko matagal-tagal na rin. Sa ngayon mas nadadalas ata akong dumalaw dun sa kabila kong bahay. Tila ata bahay bakasyunan ko ang blog na ito at minsan nadadaan na lamang ako kapag gusto kong magmuni-muni. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang isusulat ko ngayon. Kani-kanina lamang inisip kong i-post dito ang mga awards na ibinigay sa akin ng mga kaibigan na bloggers, ngunit nagbago ang isip ko. Paano kasi hindi rin ito madalas dalawin marahil dahil hindi ako masyadong nagsusulat dito. Pangalawa, mangilan-ilan lang ata ang natatalisod papunta rito. Pangatlo, aaminin ko na hindi ko gaanong kabisado ang wordpress, bagama’t nakikita kong medyo madali lang din naman siyang gamitin. Iyon lang ay hindi ko ata makuhang i-customize itong isang tambayan ko. Kung mapapansin niyo, wala akong cbox..na gustong-gusto ko sanang ilagay..pero ewan kung may pagka-engot lang ako at hindi ko talaga siya mailagay kahit anong gawin ko..Sino bang may suhestiyon diyan?hehehehe



guevara ay nagsabing:

this page is just cool. nice layout.



Mag-iwan ng Tugon

at iba pa