Ang Tambayan ni Rj











{Marso 1, 2008}   Wrong timing..

Lumaki akong nag-iisang anak, kung kaya’t kapag naiiwan ako dito sa bahay namin kung anu-ano ang napagkakaabalahan ko. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit ako nahilig maginternet.  Noong una, paikot-ikot lang sa mga links na pinapalabas ng search engine.  Depende rin iyon kung ano ang interes ko sa araw na iyon.  Di naglaon, bigla kong nadiscover ang yahoo chat..at doon naman ako naglagi.  Hanggang sa may mga nakilala–yung iba naging kaibigan, ang iba palipas oras, ang iba kaaway naman.

Hanggang sa umiwas na ako sa internet dahil naging abala na rin ako sa buhay kolehiyo at napadalas na rin ang labas ko kasama ang mga kaibigan.  Noong nakaraang taon lamang ako muling nagbalik sa “cyberworld” ika nga.  At doon ko nadiskubre ang blogging na ipinakilala ng isang matalik na kaibigan.

Nakakilala rin ako ng mga kaibigan rito.  Kakablog-hop…Nitong  nakaraang dalawang linggo napadalas ang pagiging absentee ko sa blogosphere.  Nagkasakit ako, dala ng matinding pagtratrabaho.  Minsan sa  sobrang pagod galing opisina diretso na ako sa aking kama..Medyo magaling na ako..at para bang nagbibiro ang panahon kung bakit ba naman kung kelan ko naisipang mag-online ay wala naman akong maabutan sa mga kaibigan ko.  “Wrong timing” ika nga…Para ba akong pinaglalaruan at tila kung kelan naman ako napadaan e wala sila..malapit na akong maiyak, buti na lang biglang sumulpot si Kuya Jessie. Buti na lang..hindi naman pala ganon ka wrong timing.  :)



Avee ay nagsabing:

nakakatuwa naman tong blog mo. gusto mo xlinks?



wifespeak ay nagsabing:

Natutuwa ako kapag nakakatagpo ako ng mga nagba-blag sa wikang Filipino. Ngunit di na rin ako nagtataka dahil nakita ko sa blogroll mo ang isa sa paborito kong blagista sa ating wika, si Manilenya. Huwag kang malungkot kung wala kang matagpuan sa mga kaibigan mo kapag nag online ka. Palaging may blager na naka-online. At lahat sila, alam ko, matutuwa na makatagpo ng bagong kaibigan. Ikutin mo lang ang mga blag at may mahahanap kang puwedeng kaibiganin. Mabuhay ka!



rj ay nagsabing:

idol ko talaga si ate melai!!siya ang inspirasyon ko kaya ko ginawa ang blog na ito!!salamt po sa dalaw!!



gigi ay nagsabing:

Mabuhay ka Rj! napakaganda naman ang blog mo alam mo major in filipino ako but napakahirap mag salita ng salitang FIlipino. Dalaw ako sa iyo kasi gusto kong matuto uli.regards ate gigi



Buzzing Around ay nagsabing:

andito din me RJ…. kamusta na dito sa bahay mong ito?



rj ay nagsabing:

hi ate! medyo tahimik dito sa bahay na ito..hindi rin kasi ako napapadalas dito..madalang ako magsulat ngayon kasi nga nagpapahinga atsaka may nirurush din for my research.salamt sa dalaw ate..natutuwa ako at may nakakaalala pa dito :)



jessie ay nagsabing:

Hoy RJ,

Ano na ang balita sa yo, iha???



jessie ay nagsabing:

RJ,

Ayaw lumabas ng picture ko sa link ko na nauna. :-(



Mag-iwan ng Tugon

at iba pa