Ang Tambayan ni Rj











{Disyembre 31, 2007}   New Year Resolutions…

Hindi ako mahilig gumawa ng resolution tuwing New Year. Para kasing naitatak na sa utak ko na hindi rin naman matutupad ito. Bad no??!!!Ngunit susubukan kong gumawa para sa taong 2008.

Sa totoo lang naisipan kong gumawa ng ganito bilang tugon ko t sa comment ni Ate Maryanj ng Sweet Lullaby sa post kong Paalam sa taong 2007. Nung binasa ko yon para bang bigla kong tinanong sa konsensya ko “meron na nga ba?” Ang sabi ng konsensya ko “Wala kaya!!” O di ba, inaway ako ng konsensya kong bigla…

Naisip ko paano nga bang hindi..wala namang mawawala sa akin kung gumawa ako di ba??!!! Heto na nga at susubukan ko.. Basahin ang karugtong nitong lahok »



{Disyembre 30, 2007}   Paalam sa taong 2007…

Ilang araw na lang at magigising na tayong lahat kaharap ang isang bagong taon. Kapag dumarating ang mga huling araw ng Disyembre, hindi ko lubos maisip kung matutuwa ako o hindi. Marahil dahil sa aking pag-iisip na isa na naman itong pamamaalam kung kaya’t para akong inaabutan ng pagkalungkot. Hindi talaga ako magaling pagdating sa pamamaalam.

Sabi ng mga kaibigan ko lahat para sa akin may “sentimental value”, kung kaya’t sa mga ganitong panahon laging lumulutang yung mga pangyayari ng taon. Para bang gustong gusto kong magreminisce. Ang kaso ang lungkot ko naman. :(

Malungkot iwanan ang isang taon lalo na kapag marami akong natutunan sa taong iyon. Ngunit sigurado ako na ang lahat ay nandito lamang sa puso at alaala ko. :)



 

Baguhan pa lang ako sa pagsulat ng mga blag. Yung isa kong bahay sa blogger , ang rjkayane.blogspot.com ay ginawa ko noong Setyembre pa at napabayaan ko ng kaunti. Ang totoo nyan si kuya lestat ng www.ofwlayf.com ang nakapangengganyo sa akin na muling simulan ang pagblablag. Pero kung titignan mo yung isa kong bahay wala pang sampu ang naisulat dito. Hindi naman kasi ganon kadali sumulat sa wikang inggles at hindi rin ganoon kadali para sa akin sumulat kapag wala ako sa “mood”.

Pero kung nagtataka ka bakit hindi ko mapuno-puno yung isa kong bahay e heto na naman akong gumagawa na naman ng isa pang pagkakaabalahan. Sabihin na lang natin na nais ko ring patunayan na kaya ko ring ipahayag ang aking sarili sa wikang tagalog. Patawarin ako!!!Pilipino ako, dapat hindi ko na sinusubok ang sarili ko kung kaya ko bang sumulat sa sarili kong wika o hindi. Maniniwala ba kayong hindi ko talaga alam na meron pala talagang mga blag na nalalathala sa wikang tagalog?!! Basahin ang karugtong nitong lahok »



at iba pa