Ang Tambayan ni Rj











{Setyembre 7, 2008}   Linggo…ang pagpapatuloy..

Haay..ganito ang araw ko ng Linggo sa Maynila….palibhasa sa hotel nakatira walang nililinisan.  Libre din ang breakfast kaya hindi ako ang taga-luto..

Sa kasalukuyan dito lang ako sa lobby ng hotel.Bakit?  Kasi walang wi-fi sa kwarto.  yun lang naman ang tanging reklamo ko.  At dahil nagtitipid ako, tiis muna sa lobby kasama ang mga lamok.

Kung tinatanong mo kung bakit ako nasa Maynila..SECRET!Wag nang alamin…basta dito muna ako mamamalagi ng mga isang buwan.

Advertisements


{Setyembre 7, 2008}   Nang makarating ako sa Maynila..

Anim na araw na ako dito sa Makati…hahaha..akalain mo,..kinailangan ko pang mapunta rito para lang mag-blog ui..Syempre tuwa naman ako at may laptop ang kasama ko..heheheheh

NAg-enjoy naman ako..ilang araw pa lang pero marami na rin akong experience.Sa susunod na lang ang kwento at may gagamit pa….Paalam!!!



{Mayo 31, 2008}   dumaan lang…

Haaayyy…ang huling post ko dito noon Marso pa..ewan ko nga ba at kahit anong gawin ko hindi ako makapagsulat..ayoko naman i flatter masyado yung sarili ko pero may mga naghahanap din naman sa akin sa blogosphere kahit papaano..salamat sa inyo…salamat at naaalala niyo pa ako..

pasensya na at hiundi lang talaga ako makapagsulat…pero dadaan pa rin ako…busy lang talaga..



{Marso 1, 2008}   Wrong timing..

Lumaki akong nag-iisang anak, kung kaya’t kapag naiiwan ako dito sa bahay namin kung anu-ano ang napagkakaabalahan ko. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit ako nahilig maginternet.  Noong una, paikot-ikot lang sa mga links na pinapalabas ng search engine.  Depende rin iyon kung ano ang interes ko sa araw na iyon.  Di naglaon, bigla kong nadiscover ang yahoo chat..at doon naman ako naglagi.  Hanggang sa may mga nakilala–yung iba naging kaibigan, ang iba palipas oras, ang iba kaaway naman.

Hanggang sa umiwas na ako sa internet dahil naging abala na rin ako sa buhay kolehiyo at napadalas na rin ang labas ko kasama ang mga kaibigan.  Noong nakaraang taon lamang ako muling nagbalik sa “cyberworld” ika nga.  At doon ko nadiskubre ang blogging na ipinakilala ng isang matalik na kaibigan.

Nakakilala rin ako ng mga kaibigan rito.  Kakablog-hop…Nitong  nakaraang dalawang linggo napadalas ang pagiging absentee ko sa blogosphere.  Nagkasakit ako, dala ng matinding pagtratrabaho.  Minsan sa  sobrang pagod galing opisina diretso na ako sa aking kama..Medyo magaling na ako..at para bang nagbibiro ang panahon kung bakit ba naman kung kelan ko naisipang mag-online ay wala naman akong maabutan sa mga kaibigan ko.  “Wrong timing” ika nga…Para ba akong pinaglalaruan at tila kung kelan naman ako napadaan e wala sila..malapit na akong maiyak, buti na lang biglang sumulpot si Kuya Jessie. Buti na lang..hindi naman pala ganon ka wrong timing.  🙂



{Pebrero 20, 2008}   Sulat ni Nanay at Tatay sa Atin..

Ito ay ipinadala ng isang kaibigan sa aking email kamakailan lamang.  habang binabasa ko ito, tila ba naantig ang aking puso kaya ninais kong ibahagi rin ito sa inyo..

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

                 Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

                   Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
                   o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,
                   huwag mo sana akong kagagalitan.
                   Maramdamin ang isang matanda.
                   Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

                   Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
                   ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
                   ng “binge!” paki-ulit nalang ang
                   sinabi mo o pakisulat nalang.
                   Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

                   Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
                   tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
                   noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

                   Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
                   nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
                   Basta pakinggan mo nalang ako.
                   Huwag mo sana akong pagtatawanan o
                   pagsasawaang pakinggan.

                   Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
                   kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong sasabihin,
                   maghapon kang mangungulit hangga’t
                   hindi mo nakukuha ang gusto mo.
                   Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

                   Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
                   Amoy matanda, amoy lupa.
                   Huwag mo sana akong piliting maligo.
                   Mahina na ang katawan ko.
                   Madaling magkasakit kapag nalamigan,
                   huwag mo sana akong pandirihan.

                   Natatandaan mo noong bata ka pa?
                   pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama
                   kapag ayaw mong maligo.

                   Pagpasensyahan mo sana kung madalas,
                   ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan.
                   Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

                   Kapag may konti kang panahon,
                   magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
                   Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.
                   Walang kausap.

                   Alam kong busy ka sa trabaho,
                   subalit nais kong malaman mo na sabik
                   na sabik na akong makakwentuhan ka,
                   kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

                   Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
                   Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
                   ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

                   At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit
                   at maratay sa banig ng karamdaman,
                   huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

                   Pagpasensyahan mo na sana kung ako
                   man ay maihi o madumi sa higaan,
                   pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga
                   huling sandali ng aking buhay.
                   Tutal hindi na naman ako magtatagal.

                   Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,
                   hawakan mo sana ang aking kamay
                   at bigyan mo ako ng lakas ng loob
                   na harapin ang kamatayan.

                   At huwag kang mag-alala,
                   kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
                   ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana …
                   dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…

                Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
                   CWL Spiritual Director
                    St. Augustine Parish
                    Baliuag, Bulacan



{Pebrero 17, 2008}   Linggo Ngayon..

Ang takbo ng buhay ko ngayon medyo “monotonous”. Paulit-ulit lang halos ang ginagawa ko sa araw-araw. Mula Lunes hanggang Biyernes ako ay bumiibyahe ng halos pitong kilometro para pumasok sa bangko kung saan ako nagtratrabaho. Halos walong oras din ako, minsan sobra pa,ang inilalagi ko sa loob ng bangko(dahil yun naman talaga ang working hours ko). May dagdag pang isang oras dahil doon na rin ako sa loob nanananghalian, minsan wala nang kainan. Pagkatapos non uuwi, minsan diretso tulog na.

Kapag Sabado, yan naman ang todo pahinga ko. Minsan ayoko nang matapos yon. Pero syempre kapag sumisikat ang araw lulubog din yon(aaayyy syempre naman kaya) para magbigay daan sa araw ng Linggo(tulad ngayon). Wala naman akong trabaho kapag kapag linggo. Gawaing bahay lang. Tiga-laba, Tiga-luto, dati noong nag-aaral pa ako isama mo na ang tiga-linis ng bahay. Pero syempre ngayon hindi na. hahahaha…may kasama na ako na napakiusapan kong maglinis para sa akin, for a fee syempre(na ako na ngayon ang nagbabayad). Hayan, at dahil nga Linggo ngayon e kasalukuyan akong naglalaba. Mamaya -maya lang mababawasan na naman ang bulsa ko konti dahil ibibigay ko sa kasama namin. HIndi bale, ok lang basta hindi na ako ang maglinis at baka lalo akong hindi gumaling sa hika ko.

Sa totoo lang isa rin ito sa mga araw na parang ayaw kong matapos. Kahit na kamo meron akong mga ginagawa e ok lang yon. Hindi naman sa tamad akong pumasok sa trabaho ko, dahil sa totoo lang hindi naman ako mabubuhay kung di ako magtratrabaho. Sabihin na lang natin na medyo naghahanap ako ng konting “bago” sa buhay ko. Bigla kong narealize na marami pa siguro akong gustong gawin sa buhay ko at sa ngayon hindi ako sigurado kung gusto kong magtrabaho sa bangko hanggang sa pagtanda ko. Kahit na sabihin natin na next in line na nga ako para maging supervisor, parang gusto ko nang umatras. Wala naman ako masyadong reklamo kundi ang karaniwang benepisyo lang na mag-leave at maipahayag ang alam kong tama. Mahirap nga ang maging rank and file..ngunit mas magiging mahirap kung magiging bisor ka ngunit hindi naman makapagsalita. Hanggang ngayon pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na kaya ko pa…abangan na lang natin..pero sa ngayon ayokong matapos ang araw na ito dahil ayokong pumasok bukas…..



{Pebrero 10, 2008}   Isang nakakatamad na post..

Kelan ba ako huling nag-post dito? Palagay ko matagal-tagal na rin. Sa ngayon mas nadadalas ata akong dumalaw dun sa kabila kong bahay. Tila ata bahay bakasyunan ko ang blog na ito at minsan nadadaan na lamang ako kapag gusto kong magmuni-muni. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang isusulat ko ngayon. Kani-kanina lamang inisip kong i-post dito ang mga awards na ibinigay sa akin ng mga kaibigan na bloggers, ngunit nagbago ang isip ko. Paano kasi hindi rin ito madalas dalawin marahil dahil hindi ako masyadong nagsusulat dito. Basahin ang karugtong nitong lahok »



Sabihin na nating hindi ako mapakali kaya may pangalawang hirit ang topic na ito. Sa totoo lang, hindi ko kasi maintindihan ang naging paliwanag sa akin kung bakit nagkaroon ng ganoong “outburst.” Papasok pa lang ako ng bangko noong Biyernes ay naririnig ko na ang pangalan kong sinasambit ng boss ko habang kausap niya ang kaopisina ko sa kanyang aquaryum(este cubicle) . Sabi ko sa aking sarili e mukhang napaaga ata ang pageemote niya kung kaya’t inabot ako ng pagkayamot. Ako marahil iyong tipo ng tao na mas gusto ko sinasabi sa akin ng diretso kung may mali akong nagawa kaysa ineemote ito sa iba. Hindi ko sinasabing mali iyon. Karapatan ng tao iyon at desisyon niya kung sasabihin niya sa akin o hindi. Gayunpaman, sa tingin ko’y mas makakatulong kung sa akin na lang sinabi ang mga work concerns na iyon dahil marunong naman akong tumanggap ng critisismo lalo pa kung ito ay para sa ikabubuti at ikauunlad ng aking pagkatao.

Dahil dito naglakas loob akong kausapin na lamang ang boss ko para matigil na ang kaguluhang iyon(haay tinamaan ata ako ng lakas ng loob noong araw na iyon). Basahin ang karugtong nitong lahok »



{Enero 24, 2008}   Bad ba talaga ako?

Noong kailan lamang ay nakapaghinga ako ng sama ng loob ko dun sa kabilang bahay ko.  Akala ko sapat na iyon para kumalma ako.

Nagkamali ako…

At dahil kakatapos ko lang mag-nosebleed e napagisip ko dito muna sa kabila.  Mabalik ako sa aking pagkakamali..hmmm…Dahil nga nailabas ko na ang aking hinanakit e akala ko magiging ayos na ang lahat. Sa kamalas-malasan e hindi pa pala tapos dahil hanggang ngayon ay “apple of the eye” pa rin ako ng boss ko.  Ewan ko ba kung bakit sa akin niya isinisisi ultimo maliliit na bagay, at lahat na ng gawin ko ay mali.Katulad na lamang nung sinabi niya na “may mali dyan sa billing, hindi mo napansin?” Siyempre mahirap niyong malaman ang tono ng kanyang pananalita, pero ako na nakikinig sa kanya ang interpretasyon ko dito ay isang tanong na dapat sagutin.  Sinagot ko naman at ipinaliwanag ko na inayos na nga iyon kaya bumaba ng four thousand at naging nine thousand na lamang.  Ang sagot ng boss ko “Hindi nga e!! Dapat hindi binalik yung lumang billing sa kanila, wala na tuloy pagkakataon na ireklamo ang 500 pesos na arrears dyan.” 

Basahin ang karugtong nitong lahok »



{Enero 5, 2008}   8 Meme..

 

Mukhang Sabado ang Tag day ko…Ako ay isa sa mga maswerte na na-tag ni Ate Malinesky upang ipahayag sa buong blogosphere ang 8 Meme-Walong Bagay na Ipinagpapasalamat ko..

Tinag sa akin ito noong Enero Dos, kaso dahil nga sa sobrang pagod sa trabaho medyo hindi ko nagawa..pero heto na at susubukan ko…. Basahin ang karugtong nitong lahok »



et cetera